Couque de Dinant
Ang Couque de Dinant (Tagalog: Keyk ng Dinant) ay isang napakamatigas, matamis na biskwit na katutubo sa katimugang Belhikang lungsod ng Dinant sa Wallonia.
Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga couque ay gawa lamang sa dalawang sangkap: harinang trigo at pulot, sa pantay na halaga ayon sa timbang, at wala nang iba: kahit tubig man o lebadura. Inilalagay ang tapay sa isang hulma na gawa sa kahoy mula sa puno ng peras, puno ng nogales o puno ng haya. Iba-iba ang mga hugis ng mga hulma na kinabibilangan ng mga hayop, bulaklak, tao o tanawin.
Niluluto ang biskwit sa isang hurnong pinainit na sa halos 300 °C (572 °F) sa loob ng 15 minuto na nagpapahintulot sa pulot na magkaramelo. Pagkalamig nito, tumitigas nang todo ang biskwit, at maaaring ipreserba nang walang hanggan. Dahil sa katangiang ito, maaaring itanghal ang mga couque bilang dekorasyon, ginagamit bilang mga palamuti ng puno ng Pasko, o ginagamit bilang panggunita ng mga pantanging okasyon.[1][2]
Sa isang baryante, couque de Rins,[1] idinaragdag din ang asukal sa masa. Kaya mas matamis at malambot ito.
Pagkonsumo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa kanilang labis na tigas at kainamang laki, hindi dapat kinakagatan ang mga couque de Dinant nang direkta. Sa halip nito, dinudurog sila sa mga piraso at pagkatapos ay makakagat, masisipsip, maiiwan na matunaw sa bibig o mabababad sa kape. Ayon sa kaugalian, ibinibigay ang mga couques de Dinant sa mga sanggol sa panahon ng pagngingipin.[3]
Kahit na nakabebenta nang marami ang mga panaderya ng Dinant sa tag-init dahil sa mga turista, pinakamataas ang pagkonsumo ng mga couques malapit sa Sinterklaas tuwing Disyembre. Sa panahong iyon ng taon, ibinebenta ang mga ito at kinakain sa buong Belhika.[1]
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa isang tanyag ngunit walang katiyakang alamat, nagmula ang mga couques mula sa pagsamsam ng Dinant noong 1466 ni Carlos ang Matapang sa mga Digmaan ng Liège. Mukhang desperado ang mga mamamayan at kaunti lamang ang makakain nila sa halip ng harina at pulot, kaya naisipan nila ang paggagawa ng masa sa pagkahalo ng dalawa. Dahil napakatibay ng masa, nagkaroon sila ng ideya na limbagan ito sa dinanderie (lokal na marangyang pinanday-tanso), at sa gayon ay nagsimula ang tradisyon ng pagbibigay ng mga disenyo sa kanila.[1]
Mas tiyak na nagsimulang lumitaw ang couque noong mga ika-18 siglo, ngunit hindi malinaw ang mga nangyari sa pag-imbento nito.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "La couque de Dinant et de Rins". City of Dinant. Nakuha noong 5 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Belgium: Couques de Dinant (the Dinant Cookie or Dinant Cake)". European Cuisines. Nakuha noong 5 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alison Cornford-Matheson (23 Agosto 2013). "Flamiche and Couques de Dinant – Two Foodie Favourites from Wallonia, Belgium". Cheese Web. Nakuha noong 5 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)